Friday, November 19, 2010

entry..(en-tray)

MAPAGLARONG ENGKANTO (MDJ)

CHARACTERS:

Samboy - Samboy as Maam Andrea
Maam Andrea - Maam Andrea as Qt
Bodjie - Bodjie as Samboy
Qt - Qt as Bodjie
Ka Tokleng

SUB-CHARACTERS:

Lolo Joaquin “Wacks” Torres III– isang engkanto na nag-anyong tao upang mkihalubilo sa mga ito, siya din ang kinikilalang pinuno ng mga puting engkanto
Lola Patrice “Peachy” Real – ang asawa ni Lolo Wacks
Miguel “Micky” Ledesma– ang tikbalang na nag aanyong tao
Francisco Martin “Kiko” Arboleda de Dios – isang kapre na kayang mag anyong normal na tao.

CLIMAX/TWIST:

Nagkapalit palit ng pagkatao ang buong team dahil sa paglalaro ng engkanto. Si Samboy ay naging si Maam Andrea, si Maam Andrea ay nagging si Qt, si Bodjie ay nagging si Samboy at si Qt ay naging c Bodjie. Upang makabalik sila sa dati ay kailangan nilang sumunod sa laro ng mga engkanto.


FACTS:

-          Joaquin “Wacky” Torres III, Patrice “Peachy” Real, Francisco Martin “Kiko” Aboleda de Dios and Miguel “Micky” Ledesma are characters from the hit defunct teen-oriented show by GMA network T.G.I.S. (Thanks God Its Sabado) Wala kasi akong maisip na name kaya I used their names. Cute naman e.!=)

-          Laro ng Engkanto” is my original fantasy story and I wrote it after writing the first part of my another story “Paranormal Showdown” which I also plan on submitting to MDJ to make it on tv. (kaya lang hindi pa siya tapos pero my concept na…)

-          There are two ending in this story kasi hindi ko alam kung anong ending ang gagawin ko, pero I love the 2nd ending than the 1st! =)

-          In other countries tikbalang, engkanto and other elemental spirits are also called a shapeshifter based on 1 of the articles I read.!=)





WRITTEN BY: WACKEEJACKEE
ORIGINAL STORY BY: WACKEEJACKEE




STORYLINE:

Inabot ng gabi sa daan ang MDJ team habang naghahanap ng makakainan, sa hindi inaaasahang pagkakataon ay may nakita silang isang matandang lalaki na naglalakad sa daan habang hirap na hirap nitong bit-bit ang mga gulay. Sa kabutihang loob ni Samboy ay itinigil niya ang van at tinulungan ang lolo.
Hinatid nila ito hannggang sa kanilang tahanan, at ng ng makarating sila doon ay sinalubong sila ng isang matandang babae upang tulungan, bilang kabayaran sa tulong na ginawa ng grupo ay inalok sila ng mag asawang matanda upang kkumain at dun na magpalipas ng gabi, na tinanggap naman ng grupo.

Habang sila ay nagsasalo salo sa hapag kainan ay ay nagpakilala ang matanda:

pagpasensiyahan niyo na mga iho at ineng kung nakalimutan kong magpakilala sa inyo ah. Ako nga pala si lolo Joaquin at Wacks kung tawagin ako ng mga kaibigan ko at ito naman ang aking may bahay na si Patrice Peachy naman ang tawag sa kanya ng nakararami...”

Nang matapos magpakilala ang matanda ay ipinakilala naman ni Samboy ang sarili at ang buong team. Nagulat ang dalawang matanda ng malaman nilang ang MDJ team pla ang kaharap nila, ngunit dahil sa katandaan nila lolo Wacks at lola Peachy ay nalilito sila sa pangalan ng grupo, kayat nagkakapalit palit ang tawag nila sa mga pngalan ng mga ito.

Pagkatapos kumain at magligpit ng pinagkainan ay pumanik na ang dalawang matanda at nagpaalam sa grupo para matulog.

oh pano mga iho’t iha..kailangan na naming matulog ng lola niyo ah, ganito kasi kami kaaga matulog dito alas-7 pa lamang ay parang gabing gabi na para samin..

Maya-maya ay dinalaw na din ng antok si Qt at Maam Andrea kayat silay natulog na kasama si Samboy, habang si Bodjie naman ay mukang nasira ang tiyan sa dami ng kinain kayat hnggang ngayon ay nasa banyo pa rin siya. Habang nasa banyo si Bodjie ay nagpatay bukas ang ilaw, dahilan para matakot si Bodjie. Pag labas nito ng banyo ay hindi niya makita ang kanyang pantaloon kaya tumakbo ito sa kwarto at ginising sila Samboy ng naka underwear lang. Nagising ang team ang ng tignan nila ang banyo ay wala naman silang nakitang kakaiba, Biglang nakita ni Qt ang pantalon ni Bodjie na nka sabit sa refrigerator at kinuha ito.

oi ikaw Bodjie, cguro naghanap ka na naman ng pagkain nuh.!?tignan mo yung pantalon mo oh..ayun oh..sa refrigerator..” sabi ni Qt.
Dahil si Qt ang malapit sa refrigerator ay siya na din ang kumuha ng pantaloon, ngunit ng mahawakan niya ito ay nakakita siya ng isang pangitain at knwento niya sa team ang nakita:

marami sila, mga ilaw, parang napakaraming grupo ng alitaptap na nagsama sama upang maging korteng tao. Masaya silang namumuhay ngunit ngaun parang punong puno na sila ng takot kaya nakikihalubilo na sila sa tao...”

Nang malaman nila ang gnung impormasyon ay agad nilang sinilip ang dalawang matanda sa kwarto nito dahil nadin sa pagdududang pumasok sa kanilang mga isip. Ngunit ng sinilip nila ang kwarto ay nandun ang dalawang matanda at natutulog ng parang normal na tao. Dahil lumalalim na ang gabi kaya sinubukan ng matulog ng team. Nagising bigla si Qt(Bodjie) para magbanyo, pero ng itoy nasa banyo na ay bigla na lang itong nagsisigaw at tumakbo sa kwarto, ginising niya ang mga kasama at ng magising ang mga kasamang antok na antok pa ay nagtaka sila bakit parang may kakaiba sa kanilang mga katawan. At nang mapansin ang pagbabago ay bigla na lang nagsigawan ang lahat..nagkapalit palit sila ng mga katauhan ayon sa pagtawag sakanila ng dalawang matanda. Si Samboy ay nagging si Maam Andrea, si Maam Andrea ay nagging si Qt, si Bodjie ay nagging si Samboy at si Qt naman ay naging si Bodjie. Agad naman nilang hinanap ang dalawang matanda upang tanungin ukol sa mga nangyayari ngunit hindi na nila ito nakita pa sa kwarto. Pero may nakita silang isang sulat:

makipaglaro kayo samin bilang pasasalamat, sundin niyo ang mga direksyon na nakasaad sa sulat at mahahanap niyo kami. Pag nahanap niyo na kami ay makakabalik na kayo sa dati, magiingat kayo. Lolo Wacks and Lola Peachy…



- sorry if hanngang dito lang kaya kong ipakita, if ever man na mabigyan ng chance na maipalabas ung story it wouldnt make a hit kasi alam nio na..


anyways..sana magcomment kayo..i know ill learn from your comments.!=) thanks and Godbless.!APIR.!=)

No comments:

Post a Comment