Tuesday, November 30, 2010

Pintor Ng Kaluluwa (MDJ)


CHARACTERS:
Samboy
Maam Andrea
Bodji
QT
Chief Arthur
Ka Tokleng

SUB-CHARACTERS:
Jeffrey Leonardo “jepoy” Constantino III



Si Jeffrey Leonardo “jepoy” Constantino III ay isang pintor na nakipagkasundo sa demonyo kapalit ang kaluluwa ng kanyang mga magulang upang maging tanyag ngunit sa paglalaro ng demonyo ay kailangan niyang mag-alay ng 999 kaluluwa ng babae upang matubos ang kaluluwa ng kanyang mga magulang kapalit na din ng kanyang pagiging immortal.



STORYLINE:

Tinawagan ni Chief Arthur ang MDJ team upang magpatulong sa ilang kaso ng sunod-sunod na pagkawala ng ilang kababaihan sa isang lugar.
Nang makarating ang team sa presinto ay may biglang napansin si QT na isang lalakeng nka titig kay maam Andrea, sinubukan niya itong lapitan at kausapin.
Tinanong niya ang binata kung bakit ito nakatitig kay maam Andrea at kung may napansin ba siyang kakaiba sa lugar. Sumagot naman ang lalake ngunit wala itong sinabi tungkol sa mga pangyayari, bagkos ay pinarating niya ang kanyang paghanga kay maam Andrea at nakiusap na ipakilala ito dito.
Sinubukan tawagin ni QT si maam Andrea ngunit masyado itong abala sa pag iimbestiga kaya kinuha na lang nito ana pangalan ng lalaki para maipakilala sa susunod na pagkakataon.

Nang matapos ang imbestigasyon ay nagmerienda muna ang grupo kasama si Chief Arthur. Naikwento ni Qt ang tungkol kay Jepoy, ang taga hanga ni maam Andrea. Kasabay nito ay nabanggit naman ni Chief Arthur ang tungkol sa isang lalake na madalas daw nakikitang huling kasama ng mga nawawala, ngunit hindi nila alam ang pangalan nito ang alam lang nila ay isa itong kilalang pintor. Maya-maya ay biglang may tumawag kay Chief Arthur dahil kailangan siya sa presinto. Kayat umalis agad ito pagkatapos mag merienda.
Habang naguusap ang grupo ay biglang nakita ni Qt si Jepoy at ipinakilala kay maam Andrea at sa iba pa. Dahil sa gwapo si Jepoy ay na-insecure na naman si Bodji at bumanat ng kung anu-ano, pero kagaya ng laging nangyayari ay barado na naman siya sa grupo.

Iniwan muna ng team si maam Andrea at Jepoy para makapag kwentuhan. Nagkwento si maam Andrea tungkol sa kanya at ganun din naman si Jepoy. Nana tanungin ni maam Andrea si Jepoy kung anong pinagkakaabalahan nito ay nabanggit niya na isa siyang pintor.

Nang gumabi na ay masayang bumalik si maam Andrea kasama ang team at nagkwento tunkol sa paguusap nila ni Jepoy, siyempre ay kontra pa rin si Bodji dahil para sa kanya ay siya lang ang gwapo.
Kinabukasan ay meron na naming naiulat na pagkawala ng isang babae at agad na naman nila itong inimbestigahan. Sa gitna ng imbestigasyon ay nagpaalam si maam Andrea dahil magkikita sila ni Jepoy.
Naisip bigla ni Chief Arthur na makakatulong kung mag-iimbestiga sila tungkol sa lalakeng madalas napapabalitang huling kasama ng mga nawawala.

Habang nagiimbestiga ang team ay nakipagkita naman si maam Andrea kay Jepoy, inalok ni Jepoy si maam Andrea kung pwede na niya itong ipinta bilang isang ala-ala. Pumayag naman si maam Andrea at nagpunta sila sa park para simulan ang pagpipinta.
Habang isang report ang dumating kay Chief Arthur tungkol sa pinapaimbestigahang lalake. My ibinigay na litrato at address kay Chief Arthur, at ng mkita ng team ang litrato ng lalake ay nagulat sila dahil ang lalakeng iyon pala ay ang kasama ni maam Andrea na si Jepoy.

Kasama si Ka Tokleng ay nagtungo agad ang grupo sa nkalagay na address. Ngunit pagdating nila sa bahay ay walang tao, pero tumambad sa kanila ang mga likhang sining ni Jepoy. Bumilib sila ng mkita ang mga ito dahil bawat litrato at paintings ay buhay na buhay.
Pagdating nila sa isang kwarto ay nagulat sila., nakalagay sa isang silid ang koleksyon ng paintings ng mga babae, ang mga babaeng naiulat na nawawala sa lugar na iyon. Sa isang silid pa ay may nakita silang sobrang lumang painting na may pangalang “Jeffrey Leonardo Constantino III” at kamukhang kamukha ito ni Jepoy.

Sinubukan itong hawakan ni Qt at nakakita siya ng isang pangitain, nakita ni QT ang pakikipagkasundo ni Jepoy sa demonyo na gawin siyang isang magaling na pintor at kapalit nito ay ang pag aalay ng mga kaluluwa ng babae na kanyang ikukulong sa pamamagitan ng kanyang pagpipinta at kasama na din ditto ang pagiging immortal ni Jepoy. Tinawagan agad nila si maam Andrea upang ipaalam ang kanilang nadiskubre ngunit mukhang huli na ang lahat.

Habang nasa loob ng bahay ni Jepoy ang team ay bigla itong dumating dahilan para magkaron ng isang komprontasyon. Nakita ng team na bit-bit ni Jepoy ang painting ni maam Andrea kayat pinilit nila itong kunin. Habang nagpaliwanag naman si Jepoy kung bakit niya ginagawa ang bagay na ito.
Bukod sa nakita ni QT na pakikipagkasundo ni Jepoy sa demonyo ay may iba pa siyang dahilan, ginagawa niya ang ganitong bagay upang patuloy siyang mabuhay,para matubos niya sa demonyo ang kaluluwa ng kanyang mga magulang. Para mangyari iyon ay kailangan niyang mag alay ng 999 na kaluluwa ng babae at si maam Andrea sana ang pang 997.

Dahil ayaw parin ibigay ni Jepoy ang painting ni maam Andrea ay napalaban si Samboy, at tulad ng parating nangyayari ay nagtago na naman si Bodji sa likod ni QT at Chief Arthur. Habang nagiinkwentro si Samboy at si Jepoy ay napansin ni Ka Tokleng ang painting ni Jepoy na my tumutulong dugo at mukang nasusugatan. Kinuha nila ang painting upang ipagpalit kay Jepoy ngunit ng mapatingin si Jepoy sa painting ay bigla na lang itong nagdeliryo at nangisay.

Pagkakita nila sa painting nito ay unti unti itong tumatanda at naaagnas hanggang si Jepoy ay naglalaho kasabay ng painting niya.

Kasabay din ng paglaho ng painting ni Jepoy ay ang paglaya ng mga kaluluwang nakulong sa painting kasama na din ang kay maam Andrea. 


ORIGINAL STORY BY: JACKEE MANTE

No comments:

Post a Comment